040 - Ang Pag-ibig ni Jesus

Ang pag-ibig ni Jesus ang siyang umakit
Upang ako sa Kanya ay kusang lumapit,
At ang Kanyang biyaya sa aki'y ibinihis
Ang Siyang laging diwa sa aking pag-awit.

REFRAIN

Lalo nang tumatamis,
Lalo nang tumatamis
Ang pag-ibig Niya
Sa akin t'wi-t'wina
Lalo nang tumatamis.

At sa buong Judeang kaniyang nilibot,
Madla ang mga taong sa Kanya'y sumunod,
At ang mga may damdam ay Kanyang ginamot,
Gayunma'y ang pag-ibig niya'y di naubos.

REFRAIN

Lalo nang tumatamis,
Lalo nang tumatamis
Ang pag-ibig Niya
Sa akin t'wi-t'wina
Lalo nang tumatamis.

Ang wagas na pag-ibig ang siyang nag-akay
Upang tayo'y subukin hanggang kamatayan;
Kaya't ating purihin ang Kanyang pangalan
Hanggang ang lupa't langit sumamang magdiwang.

REFRAIN

Lalo nang tumatamis,
Lalo nang tumatamis
Ang pag-ibig Niya
Sa akin t'wi-t'wina
Lalo nang tumatamis.

0:00 0:00